TUNGKOL SA PI SIGMA

Ang Pi Sigma Fraternity ay isang kapatirang nagsimula sa Diliman Campus ng Unibersidad ng Pilipinas. Itinatag ito noong Agosto 15, 1972 noong mga panahon na ang ating bansa ay isinailalim sa Batas Militar or Martial Law. May dalawang prinsipyo ang Kapatirang Pi Sigma. Ito ay ang “Paglingkuran ang Sambayanan” at “Paragon of Scholarship”. Layunin ng Kapatiran na makatulong sa sambayanan sa kanilang adhikaing magkaroon ng isang malaya, makatarungan, at makataong lipunan.

Mula sa iisang chapter sa Unibersidad ng Pilipinas, ang Kapatirang Pi Sigma ay nakapagtatag ng mga chapter sa iba-ibang panig ng Pilipinas. Nagkaroon ng mga chapters sa halos lahat ng campus ng Unibersidad ng Pilipinas at maging sa mga paaralan at komunidad sa Hilagang Luzon, Gitnang Luzon, Metro Manila, Bahagi ng Timog Luzon pati na sa Mindanao.

Sa darating na Agosto 2022 ay ipagdiriwang ng Kapatiran ang ika-limampung anibersaryo ng pagkakatatag nito. Ang tema ng pagdiriwang ay “Mamuno at Maglingkod nang may Prinsipyo. Makiisa sa Pagbuo ng Malaya at Makatarungang Bansa”. Bukod sa pagkaka-ayon ng tema sa mga prinsipyo ng Kapatiran, ito din ay isang panawagan sa lahat na makibahagi sa aming mga proyektong ilulunsad at makiisa sa aming mga adhikain para sa ating pinakamamahal na bansa.

Katipunan at Kapatiran

Paggunita sa Kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio

Ginugunita ng Kapatirang Pi Sigma ang ika-158 taong kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa ika-30 ng Nobyembre 2021.

Ipinanganak si Bonifacio noong ika-30 ng Nobyembre, 1863.

Dalawangpu’t siyam (29) taong gulang lamang si Bonifacio nang itinatag niya ang Kataastaasan Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK o Katipunan) noong 1892 na may layuning itayo ang isang malaya, progresibo at makatarungang Pilipinas.

Ang Kapatirang Pi Sigma ay kaisa ni Gat Andres Bonifacio at ng sambayanang Pilipino sa pagtatayo ng isang malaya, progresibo at makatarungang bansa.

Bukod sa paggunita ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, magsasagawa ang Pi Sigma Fraternity Alumni Association, Inc. ng Bonifacio Day Blood Letting Activity sa ika-30 ng Nobyembre, 2021 sa Quezon City, Tarlac, Pampanga, Bagui, Davao City at Koronodal City para makatulong sa pagpapadami ng stock ng dugo sa ating mga hospital at blood centers na lubos na kailangan dahil sa pandemya.

Iniimbitahan ang lahat ng ating kababayan na makiisa sa paggunita sa kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio at sa blood letting activity.


Pi Sigma Fraternity Alumni Association, Inc.

November 21, 2021

Mga Susunod na Proyekto

Ang mga sumusunod ay ang mga proyektong ilulunsad ng Kapatiran para sa mga buwan ng November at December:

December 30, 2021: Community Pantry

Antabayanan ang mga detalye ng mga proyektong ito.

Sa mga nais makibahagi

Mobile Number: 0917-822-2917
Email Address: [email protected]
Facebook Page: Pi Sigma Fraternity Alumni Association Inc-50th